FIBA World Cup: Kiefer Ravena, handa sa pagbabalik sa laro kasama ang Gilas

ABS-CBN News

Posted at Aug 24 2019 06:31 PM | Updated as of Aug 24 2019 06:50 PM

Muli nang isusuot ni Kiefer Ravena sa Linggo ang kaniyang Gilas jersey sa pagharap ng national team kontra Adelaide 36ers para sa huling tune-up game bago lumipad patungong China. Larawan mula sa FIBA website/file

Matapos ang 18 buwang paghihintay, makikita na muli sa hardcourt si Kiefer Ravena kasama ang Gilas Pilipinas. 

Opisyal nang natapos ngayong Sabado, Agosto 24, ang suspensyon na ipinataw kay Ravena ng FIBA dahil umano sa doping. 

Kaya naman sa Linggo, isang araw matapos ang higit isang taong pagpapahinga, muli nang isusuot ni Ravena ang kaniyang Gilas jersey sa pagharap ng koponan kontra Adelaide 36ers para sa huling tune-up game bago lumipad patungong China. 

“Masaya, sobrang saya syempre. It might not show but I’m really just focused and getting back and helping the team,” ani Ravena.

“It’s been a long time, a long way coming. Sobrang ecstatic ko, finally tapos na di ba?”

Matapos ang maraming pinagdaanan ng basketbolista, labis ang kasiyahan ni Ravena na ang kaniyang unang laro ay para sa national team. 

“That’s just life, you know? Full circle. You just have to be patient,” saad ni Ravena.“You have to believe in yourself talaga and trust the people around you. Excited ako makabalik."

Nasa pagsasanay ng Gilas si Ravena sa mismong araw ng pagtatapos ng kaniyang FIBA suspension at mayroon itong plano para ipagdiwang ang kaniyang pagbabalik. 

“I’ll go to mass and thank the Lord for all the blessings and for all the lessons I’ve learned all throughout,” kuwento ni Ravena.

Nagpahayag din ng kasiyahan ang ina ni Kiefer na si Mozzy Ravena dahil natapos na ang paghihintay ng kaniyang anak. 

Sa kaniyang Facebook post, nagpasalamat ang dating volleyball player at ngayong sports broadcaster sa kaniyang pamilya, sa koponan ng NLEX Road Warriors, at sa kasintahan ng basketbolista na si Alyssa Valdez. 

 

"Thanks for all the overflowing support given in the last 18 months. To Thirdy and Dani who distracted papi and i with their own achievements giving us no time to even question 'why,'" saad ni Mozzy sa post.

"To Aly sorry di ikaw ang first, but in this case i think it's best to be last 😂😘 only❤to the max for you!!!"

Suportado rin ng nakababatang kapatid ni Kiefer na si Dani ang kaniyang kuya sa muling pagbabalik nito sa basketball. 

Sa kaniyang Instagram account, nag-post ang Ateneo Lady Eagle libero ng larawan ni Kiefer na may caption na "Game Time." 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dani Ravena (@daniravenaaa) on

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.