PBA: Chris McCullough determinadong magpa-naturalize, lumaro sa Gilas

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 07:02 PM | Updated as of Aug 17 2019 07:27 PM

If I get naturalized, I wanna play. It’s an opportunity for me so I’d love to play.” — Chris McCullough. Arvin Lim, ABS-CBN Sports

Ngayong nabigyan niya na ng PBA championship ang San Miguel Beer, muling binuhay ng kanilang import na si Chris McCullough ang kagustuhan niyang lumaro para sa Gilas Pilipinas.

Ibig sabihin nito handa siyang maging isang naturalized citizen para mapabilang sa national team.

“I wanna play man,” pahayag ni McCullough sa isang panayam sa ABS-CBN Sports. 

Nauna nang binanggit ni McCullough ang kaniyang intensiyong mag-Gilas sa Twitter ilang linggo na ang nakalilipas.

Ayon kay McCullough, isang first-round pick sa NBA, lalahok muna siya ngayon sa isang liga sa Korea, ngunit may balak siyang magbalik-NBA kung susuwertehin. 

Di rin niya sinasarado ang pinto sa PBA sakaling kailanganin muli siya ng San Miguel.

“Hopefully I’ll be back in the NBA next year,” ani McCullough. “If not, I’m back at SMB.”

Kung bigyan man siya ng pagkakataong maglaro para sa Pilipinas, why not, wika nga.

“If I get naturalized, I wanna play. It’s an opportunity for me so I’d love to play,” sagot ni McCullough.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.