PBA: Arwind Santos may peace of mind na pagkatapos ng kontrobersiya

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2019 06:48 PM | Updated as of Aug 17 2019 07:23 PM

Natuwa si San Miguel Beer forward at dating PBA MVP na si Arwind Santos matapos tanggapin ni Terrence Jones ang kaniyang pag-sorry patungkol sa racist gesture nito sa TNT import.

“Alam naman natin ’yung issue, uunahan ko na kayo doon. ’Yung isang lesson na natutunan ko na hindi ko makakalimutan, pero at the same time parang in-accept ko siya na parang lesson sa akin ni Lord ‘yun,” ani Santos matapos talunin ng San Miguel ang TNT sa Game 6 ng kanilang 2019 Commissioner's Cup finals nitong Biyernes.

Bago ang selebrasyon ng Beermen sa kanilang kampeonato, pinagmulta ng liga si Santos ng P200,000 matapos ang "monkey gesture" niya kay Jones sa Game 5 noong Miyerkoles.

Dahil dito, abot-abot ang kanyang paghingi ng tawad kay Jones bago nagsimula ang Game 6. 

“Syempre masayang-masaya ako. Hindi lang sa championship, pati ’yung peace of mind na bago maglaro kanina,” aniya.

“Malawak naman ang pag-iintindi (ko) sa mga sitwasyon na ganiyan. Ako naman hindi ko kailangan pilitin ’yung isang bagay na hindi talaga pwede.”

Kinumpirma ni Jones na tinanggap naman niya ang paghingi ni Santos ng paumanhin habang sila ay nagwa-warm up. 

“He apologized, but it was close to game time and at that point I’m in game mode,” ani Jones. “I heard him but I was more focused on the game at that point.”

Aniya na-appreciate naman niya ang suportang ibinigay ng mga fans.

“I’m a human being. I just wanna get respect as a person, as a father, as a black man. I’m here to represent my family and I’m not saying anything bad to anybody else’s culture or race,” ayon kay Jones.

“No one person can could tarnish how much love I was shown here by the fans and the community.”

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.