PBA: Phoenix wala umanong balak i-trade si Abueva

ABS-CBN News

Posted at Aug 08 2019 08:12 PM

Pinabulaanan ng isang team official ng Phoenix ang haka-hakang may balak ang koponang i-trade si Calvin Abueva.

“He is still under a contract and he is suspended by the PBA,” pahayag nitong Huwebes ni Raymond Zorilla, team governor ng Fuel Masters, sa isang artikulong lumabas sa Spin.ph.

"Definitely, we are waiting for his reinstatement pending compliance of whatever the Commissioner’s Office has given him.”

Kasalukuyang suspendido si Abueva matapos ang mainit na girian nila ni TNT import Terrence Jones noong Hunyo.

Bukod sa suspensiyon, naging kontrobersyal din ang umano’y sagutan sa pagitan ni Abueva at ang girlfriend ni Bobby Ray Parks Jr. sa laro ng Phoenix at Blackwater.

Kamakailan lang, pinaratangan ng domestic abuse si Abueva ng kaniyang misis.

Ayon kay Zorilla, pawang kuro-kuro lamang ang kumakalat sa social media na bilang na ang araw ni Abueva sa Phoenix.

“I haven’t spoken to him nor have I ever read that tweet. I’m not active on social media. Actually, I haven’t seen that,” paliwanag ng opisyal.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.