PBA: Tim Cone naniniwalang kaya ng TNT makuha ang kampeonato

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2019 06:48 PM | Updated as of Aug 02 2019 06:56 PM

Matapos dominahin ng TNT ang Barangay Ginebra sa 2019 PBA Commissioner’s Cup semifinals, inamin ni head coach Tim Cone na may tsansa ang KaTropa na maiuwi ang kampeonato.

“They outplayed us, they played it better than we did, and they proved to be the better team tonight,” paliwanag ni Cone sa artikulong ipinost sa Spin.ph.

Nanalo ang TNT 103-92 sa Game 4 ng kanilang best-of-5 series Huwebes para marating ang Commissioner’s Cup finals.

Samantala, uuwi nang maaga ang Ginebra, ang may tangan ng titulo bago ito pataubin ng KaTropa.

Kahit nasa kanila si Justin Brownlee, ang itinuturing na best import sa liga ilang taon na ang nakalilipas, at si Stanley Pringle, na nakuha ng Gin Kings sa trade ngayong komperensiya, walang naging sagot si Cone sa TNT, na pinangungunahan ni ex NBA veteran Terrence Jones.

Mainit ang umpisa ng Ginebra sa Game 4, ngunit nanlamig ito sa second half kung saan nilimitahan sila ng TNT sa 30 points.

“I think we lost our poise a little bit, we started rushing and taking tough shots,” ani Cone.

“They took advantage of it. They made a few turnovers towards the end of the third quarter that kind of changed the game. And then when they got ahead, we lost our poise and never really got going.”

Nang tanungin si Cone kung ano ang tsansa ng TNT na makuha ang korona, simple lamang ang sagot ng winningest coach sa kasaysayan ng PBA.

“I think they have a good shot at winning the championship,” sabi niya.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.