PBA: Matapos pahirapan sa Game 3, dadaan muli sa butas ng karayom ang Ginebra

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2019 12:56 AM

Nakaisa na nga ang Barangay Ginebra laban sa TNT sa kanilang 2019 PBA Commissioner’s Cup best-of-5 semifinals nitong Martes.

Pero para kay coach Tim Cone, hindi sapat ang isang panalo lang lalo na lamang pa rin sa serye ang TNT 2-1.

“We got one, but one is obviously not good enough. It was a real struggle just to get one,” ani Cone sa artikulong ipinost sa ABS-CBN Sports.

“Mahirap pa nga 'yang one, pero buhay pa. We’re still alive and kicking. We’re still moving forward so that’s good news. The bad news is it was tough just to get one game. It was really tough.”

Ang plano ngayon ni Cone ay hanapan ng paraan para guluhin ang sistemang ginagamit ng TNT. Aniya, ito ang magiging susi nila para makaisa pang panalo ang Ginebra.

“We took out everything we had to beat them and they are a team that understands their system and runs their system extremely well,” sabi ni Cone.

“We’re just trying to find some things that make them a little uncomfortable. We don’t know if it’s gonna work twice, so we have to think out of the box and continue to try to win.”

Muling maghaharap ang Ginebra at TNT sa Huwebes sa Araneta Coliseum.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.