PBA: Tenorio kibit-balikat lang sa tunggalian nila ni Terrence Jones

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2019 02:33 AM

Para kay LA Tenorio, laro lang walang personalan. File/PBA Media Bureau

Ipinagkibit-balikat lang ni “Tenyente” LA Tenorio ang muntik nilang salpukan ni Terrence Jones ng TNT sa Game 3 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup semifinals.

“Paborito niya ako, di ko alam kung bakit. Favorite niya ako,” sinabi ng beteranong point guard ng Barangay Ginebra sa artikulong lumabas sa ABS-CBN Sports.

Kasama si Tenorio sa mga sumubok guluhin ang laro ng ace import ng TNT. At nitong Game 3, nagtagumpay ang tropa ng Ginebra dahil sa wakas, naungusan nila ang KaTropa 80-72 para makaisa sa kanilang best-of-5 series. 

Kasalukuyang pa ring hawak ng TNT ang kalamanang sa serye, 2-1.

Pero hindi naman sineryoso ni Tenorio ang pisikalan sa laban nila ni Jones.

“Wala naman ’yun, that’s part of the game, especially very emotional game. Semifinals na rin ’to,” ani Tenorio.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.