PBA: Depensa ni Terrence Jones, di inasahan ni Brownlee — ‘Good job’

ABS-CBN News

Posted at Jul 27 2019 01:01 AM

"Good job" na lamang ang nasabi ni Justin Brownlee matapos siyang limitahan ni Terrence Jones sa 4th quarter ng kanilang laro sa 2019 PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Biyernes.

Matapos umiskor ng 22 points si Brownlee sa unang 3 quarters, isang puntos na lamang ang naidagdag ng Best Import sa huling 12 minuto.

Ito'y matapos siyang guwardiyahan ng mahigpit ni Jones, bahagi ng dahilan kung bakit tinalo ng TNT ang Barangay Ginebra 95-92.

Lamang ngayon ng 1-0 ang TNT sa kanilang semifinals series.

“We didn’t expect that and I didn’t either,” paliwanag ni Brownlee tungkol sa depensa ni Jones.

“But like I said, he did a really good job. I didn’t expect that and just got to give a lot of credit to him.”

May 23 points, 15 rebounds at 9 assists si Brownlee, habang nagtala ng 24 points, 12 rebounds, 7 assists at 4 blocks si Jones.

Naging kritikal ang kontribusyon ni Jones sa huling 2 minuto, matapos niyang blankahin si Scottie Thompson at maipasok niya ang driving layup para bigyan ng 3 puntos na kalamangan ang TNT 10 segundo ang natitira sa game clock.

“Just got to give a lot of credit to Talk ‘N Text, I think they did a really good job, especially Jones,” ani Brownlee.

“He came out and defended me very well. I think we could do a better job getting a better offensive rhythm. Just tip my hat to them.”

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.