PBA: Focus ni Terrence Jones papanalunin ang TNT, di ang matchup kontra Brownlee

ABS-CBN News

Posted at Jul 25 2019 10:08 PM

Nakatakdang magbanggaan ang TNT KaTropa at defending champion Barangay Ginebra sa semifinals ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Kaya naman hindi maiwasang mapag-usapan ang matchup sa pagitan nina Terrence Jones at Justin Brownlee.

Pero para kay Jones, na nangunguna sa statistical race para sa Best Import award, hindi niya masyadong iniisip ang indibidwal na paghaharap nila ni Brownlee.

"For me, our jersey says TNT so I'm just, you know, trying to make sure we get the win and we do what it takes to get to the next round," ani Jones sa artikulong ipinost sa ABS-CBN Sports.

"We're gonna have to, you know, just have that bond between ourselves and just believe in ourselves."

Napakalaki ang naging papel ni Jones, dating lumaro sa Houston Rockets at Milwaukee Bucks sa NBA, sa pagdala sa TNT sa semis.

Nagtatala siya ng 33.7 points at 16.1 rebounds kada laro.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.