Jimuel Pacquiao, manonood bilang ‘estudyante’ sa laban ng ama kontra Thurman

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 04:31 PM | Updated as of Jul 20 2019 07:00 PM

Dahan-dahang bumubuo ng sariling fan base si Jimuel Pacquiao, anak ng isa sa pinakamatagumpay na boksingero sa mundo na si Manny Pacquiao. ABS-CBN News screengrab

May bagong Emmanuel Pacquiao na umuusbong at unti-unting kumukuha ng atensyon ng publiko.

Dahan-dahang bumubuo ng sariling fan base si Emmanuel Jr., o mas kilala sa tawag na Jimuel Pacquiao, anak ng isa sa pinakamatagumpay na boksingero sa mundo na si Manny Pacquiao.

"It's not very often though," ani Pacquiao, habang abala sa pagpirma sa isang glove. Hindi naman aniya ito bago sa kaniya.

"I'm not new to it. I'm kind of used to it. It's not really that bad."

Makailang ulit na ring nagpabalik-balik ang magkakapatid na Pacquiao sa Las Vegas lalo na dahil sa boxing career ng kanila ama. Madalas, nasa ringside ang mga ito sa mga laban ni Pacman.

Ngunit bilang isang nagsisimulang boksingero na nais sundan ang yapak ng kaniyang world champion na ama, inamin ni Jimuel na iba ang magiging panonood niya sa nakatakdang laban ni Pacman kontra Keith Thurman sa Linggo (Manila time).

"Instead of looking at it as a fan, I’m going to look at it as study time," pahayag ni Jimuel. "I listen to all that analysts that talk about the sport."

At habang ang lahat ay may kani-kaniyang prediksyon kung sino ang mananalo, ibinahagi rin ni Jimuel ang kaniyang inaasahang resulta.

"It’s going to be a late-round stoppage. I think my dad can get the job done," dagdag ni Jimuel. — Ulat ni Steve Angeles, ABS-CBN News North America Bureau

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.