Analysts pinuri ang pagiging 'relaxed' ni Pacquiao sa bisperas ng laban vs Thurman

ABS-CBN News

Posted at Jul 20 2019 07:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

LAS VEGAS, Nevada – Natuwa at na-excite ang ilang analysts sa nakita nilang mood nina Manny Pacquiao at Keith Thurman sa bisperas ng kanilang laban. 

Kasunod ito ng weigh-in ng dalawang boksingero, kung saan pawang pumasok sa welterweight limit ang kanilang timbang. 
Nagtimbang ng 146.5 kilogramo ang parehong boksingero. 

Bagama't maganda ang kondisyon ng parehong boxer, napansin ng beteranong boxing columnist ng Yahoo! Sports na si Kevin Iole na mas "relaxed” si Pacquiao para sa laban at tila sabik na sabik siya para rito. 

"Manny came in a magnificent condition, which he usually does, but I just thought his aura was good. You know, he looked like he was relaxed. He looked like he was animated. Excited for the fight," ani Iole. 

Sang-ayon naman si Norm Fraunheim ng LA Times. 

"He looks good, he looks relaxed, I picked him (Pacquiao) to win," ani Fraunheim. 

Ikinatuwa naman ni 4-division champion at WBA Super World Bantamweight Champion Nonito Donaire ang pinapakitang kumpiyansa ng parehong boksingero. 

Tatayong judge ng laban sina Dave Moretti, Glenn Feldman, at Tim Cheatham habang si Kenny Bayles ang magiging referee.

Ito na ang pang-11 pagkakataon na magre-referee si Bayles sa laban ni Pacquiao. 

Gaganapin ang laban sa Hulyo 20 (Hulyo 21 sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. 

-- Ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.