Triathlon: Kim Remolino, ikinuwento ang pagsalba sa gamit sa gitna ng pagkasunog ng bahay

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2020 09:14 PM

Ang SEA Games silver medal na naisalba ni Kim Remolino. Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Natupok ang bahay ng 2019 Southeast Asian Games silver medalist Kim Remolino sa Talisay City sa Cebu.

Kabilang ito sa 15 bahay na nasunog nitong Linggo. 

Sinigurado na lang nila na masalba ang mga senior citizen na kasama nila sa bahay at naiwanan na ang mga kagamitan ni Remolino sa triathlon gaya ng goggles, bike, trunks at iba pa. 

Tanging frame na lang ng bike niya ang natira nang balikan nila ang natupok nilang bahay.

“Bali among nadala ang mga light gadgets ra gyud, phones. Kung unsa ray dali mabitbit ba kay wala naman mi lain mabitbit kay naa man tiguwang nga gikuyogan,” aniya.

(Ang nakuha namin light gadgets lang talaga gaya ng cellphone. 'Yung madali lang damputin kasi wala nang ibang makuha, may mga matatanda kasi kaming kasama.)

Ang loob ng bahay ngayon ni Kim Remolino. Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Nagpasalamat naman si Remolino sa tulong na dumating sa kanila mula nang mangyari ang trahedya, lalo na ang suporta mula sa triathlon community at ng pamahalaan para makapagpatuloy siya sa kanyang pag-ensayo.

Naisalba naman ni Remolino ang kaniyang silver medal sa SEA Games at ang Lapu-Lapu Award, pero makikitang nasunog ang ilang bahagi ng medalya. 

File photo ni 2019 SEA Games silver medalist Kim Remolino. Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

Ang SEA Games nitong Disyembre ang unang sabak niya sa regional tournament, kaya mahalaga umano sa kaniya ang medalyang pinanalo.

“These are just challenges sa life nga mura ra niya siyag sa training nga naay mga stages, nga kung ganahan gyud ka mo-improve you need to work for it,” dagdag pa niya.

(These are just challenges sa life na kagaya din sa training na may mga stages. Kung gusto mong gumaling, you need to work for it)

Kabilang ang pamilyang Remolino sa 30 pamilya na apektado ng sunog. -- Leleth Ann Rumaguera, ABS-CBN News

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.