TINGNAN: Pagdadausan ng 2019 SEA Games sa New Clark City, inaayos na

Trisha Mostoles, ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2018 04:55 PM

CAPAS, Tarlac—Ininspeksyon ng mga lider ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee ang pagdadausan ng 30th SEA Games sa sa New Clark City sa bayang ito nitong Sabado.

Kasama sa tinaguriang "world class sports complex" ang athletic stadium na may 20,000 seating capacity, aquatic center na may 2,000 seating capacity, at ang athletic village na kayang ma-accomodate ang nasa 1,000 na mga atleta.

Layong matapos ang sports facilities na ito sa Oktubre sa susunod na taon, bago ang gaganaping SEA Games mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

"Envision natin na maging sports powerhouse ang country for the athletes . . . We are on track but I must admit na maraming challenges," ani Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Dagdag naman ni Ricky Vargas, pangulo ng Philippine Olympic Committee: “There will be a future for them and live in a world class environment. The athlete will be encouraged but also moved by it to move better. Parang binihisan mo sila.” 

Nakatayo na ang mga pundasyon ng stadium at siniguro ng infrastracture developer na ligtas at maganda ang kalidad ng mga pasilidad, na may nakalaan din para sa mga atletang persons with disability.

Under construction na ang ilang bahagi ng pagdadausan ng 2019 Southeast Asian Games sa New Clark City sa Capas, Tarlac. ABS-CBN News

Maliban sa sports facilities, plano din na ilipat dito sa New Clark City ang ilang national agencies upang i-decongest ang Maynila, bagay na pinaghahandaan naman umano ng lalawigan ng Tarlac.

Nasa 24 na ahensiya ang nagpakita ng interes na lumipat, ayon kay Arrey Perez, vice president for business development ng Bases Conversion and Development Authority.

Ayon kay Gov. Susan Yap, nakausap na niya ang mga alkalde sa probinsya kung maaaring 8 metro ang lapad ng farm to market roads.

Inaasahang matatapos ang mga Phase 1a ng New Clark City kasabay ng mga sports facilities para sa SEA Games.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.