Alamin: Fitness routine ng mga Donaire

ABS-CBN News

Posted at Jun 12 2017 05:20 PM | Updated as of Jun 12 2017 09:13 PM

Magsasama sa hirap at ginhawa, ganiyan ang sumpaan ng mag-asawa. At para kina Nonito Donaire at misis na si Rachel, hanggang sa pukpukang workout, magkasama rin sila.

Ibinahagi ng 'fit' couple ang kanilang workout routine. Kabilang sa kanilang favorite moves ang paggamit ng kettle bell. Ginagamit ito sa iba't ibang posisyon para maka-tone ng muscles ng katawan. Mabisa itong pampaganda ng muscles sa legs.

Madalas ring mag-spin bike sina Mr. at Mrs. Donaire. Ayon sa kanila, epektibo itong pampatunaw ng taba.

Si Rachel na may dalawang anak, napanatili ang kaniyang kaseksihan. Sekretong malupit niya sa workout ang bar toning exercise para lumitaw ang abs at maging toned ang binti.

Para kay Nonito naman, pinakaimportante ngayon ang kaniyang Ketogenic diet kung saan kumukuha siya ng energy mula sa healthy fat sources tulad ng avocado, nuts, at isdang salmon. Hindi na siya kumakain ng pagkain na may 'refined' sugar.

Ayon sa mag-asawa, lalo pang nabigkis ang kanilang pagsasama dahil sa kanilang bonding na fitness routine.

-- Ulat ni Dyan Castillejo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.