NBA Finals: Para kay LeBron, mahalagang maipanalo ng Cavs ang Game 3

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2018 05:20 PM | Updated as of Jun 06 2018 11:53 PM

Nag-unahan sa bola sina LeBron James at Stephen Curry noong Game 1 ng NBA Finals, Hunyo 3. Kyle Terada, USA Today Sports

Wala pang NBA team na nagwagi sa Finals kasunod ng 3-0

Sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA), 281 beses nagwagi sa playoffs o finals ang koponang nakapagtala ng 2-0 o dalawang antemanong panalo sa isang serye.

Pero iba ang lagay sa kabilang dulo dahil 20 beses pa lang nakayanan ng isang koponan na maipanalo ang playoffs o kaya'y finals kasunod ng dalawang magkasunod na talo sa serye.

Sa 20, tatlo riyan ang naitala ni LeBron James, manlalaro sa kasalukuyang underdog na Cleveland Cavaliers dahil sa pagkatalo sa Game 1 at 2 ng NBA Finals.

Unang umahon mula sa lusak ng dalawang magkasunod na talo si James para sa Cavs noong 2007 Eastern Conference Finals kontra sa Detroit Pistons.

Mula Games 3-6, tiniyak ni "King James" na di na makapoporma ang Pistons at Cavs ang nagwagi sa serye.

Inulit ni James ang sitwasyon nito lamang makaharap ng Cavs ang Boston Celtics sa Eastern Conference Finals na umabot sa Game 7 bago tuluyang nanaig ang kopononan ni James.

Noon namang 2016 NBA Finals, nagbubunyi rin ang Dub Nation sa Game 1-2 win ng Golden State Warriors kontra sa Cavs nang magwagi sa Game 3 ang team ni James.

Umabot din hanggang Game 7 ang 2016 finals na pinagwagian ng Cavs.

Lubos na umaasa si James na mauulit ito ngayong 2018 Finals lalo pa't sa homecourt ng Cavs gagawin ang Game 3.

"We've been very persistent and very resilient throughout this whole season, no matter what has been going on. We have an opportunity to come home and protect home, as Golden State has done. We look forward to the challenge. It's a very tall task. A very tough challenge, as I mentioned before the series even started, going against these guys, going against this team. But we have an opportunity to seize the opportunity. So I look forward to that," ani James.

Susi para sa Cavs sa Game 3 ang energy ng kanilang fans at ang maging mas pisikal kontra sa Dubs, sabi ni JR Smith na "sumikat" sa Game 1.

"We take pride in defending our home court. I mean, it's just like any other team, really," ani Smith. "You've just got to make sure you come out and take care of business.

"Everyone understands what's at stake, playing at home, so we expect the crowd to be at a high-level energy," sabi naman ni Thompson.

Handa rin naman ang Dubs sa inaasahang matinding pisikalan sa ikatlong pagtatapat nila ng Cavs.

"We do know it's gonna be tough to come in here and win, they all play better, with more force, more energy so we gotta make sure we ready to match that level of physicality and energy level as well," ani Draymond Green ng Golden State Warriors.

Para naman kay Steph Curry na pumutok ng record-breaking na siyam na tres noong Game 2, kailangan daw maging dominante sila sa simula palang ng laban.

"We know how the atmosphere is here. We know how Cleveland plays here, with a lot of energy and force," ani Curry. 

"We understand how hard it is to win in this building. No matter what's gone on in the series, when you change venues, you've got to reassert your dominance and try to find that right momentum to start. We have a great opportunity tomorrow to do that."

Sa kasaysayan ng NBA Finals at NBA Playoffs, wala pang team na nakabalik at manalo sa serye nang mabaon ng 3-0.

Inaabangan ng lahat ng basketball fans kung tuluyan na bang masasadlak sa talo ang Cavs o mauulit ng Cavs ang kasaysayan at magtatala ng ika-21 panalo sa serye matapos ang 2-0.

Mapapanood sa umaga ng Huwebes, Hunyo 7, ang Game 3 sa ABS-CBN Channel 2.

Watch more in iWant or TFC.tv

Para sa malawakang sports coverage, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

-- May ulat ni TJ Manotoc, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.