MMA: Gym itinuturing na ngayong bagong bahay ni Joshua Pacio

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 01:00 AM

Paano nga ba sinisiguro ni ONE strawweight champion Joshua Pacio na nasa fighting shape siya kahit na may lockdown? Nagdesisyon siyang manuluyan na muna sa Team Lakay gym sa Baguio.

Dahil hindi naman kalayuan ang kaniyang tirahan sa gym, nagpasya ang MMA champion na mamalagi na muna sa gym lalo na at di pa pwedeng magbukas ang mga fitness center.

“If you’re an athlete you can always train at home but it’s different from the gym,” sabi ni Pacio sa ABS-CBN Sports.

Aniya, malaking tulong ang mga gym equipment sa pag-eensayo.

Kasama rin niya sa gym ang ilang Team Lakay members na sina Jhanlo Sangiao, Edilberto Coquia Jr., Carlo Von Bumina-ang, at Renato Hepolito Jr. 

“When I train, I always want to improve by one percent every day. I decided to live in the gym, because I know we have athletes there who can work with me,” sabi ni Pacio.

“We have two rooms where we can stay with beds.”

Dagdag ni Pacio, mahalagang maging handa siya sakaling bumalik na sa normal ang lahat at ipatawag siya para sa ONE title defense.

“Even though I am already at the top, I know that I have a lot of quality opponents waiting for me,” paliwanag niya. “Even though we’re in this situation, I have to find ways to improve.”

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.