PBA: Ray Parks, di palalampasin ang pambabastos ni Abueva sa GF niya

ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 09:56 PM

Kumulo ang dugo ni Ray Parks Jr. matapos umanong bastusin ni Calvin Abueva ang kaniyang kasintahan nitong Biyernes. PBA Media Bureau

Mainit ang naging laro sa pagitan ng Phoenix at Blackwater sa 2019 PBA Commissioner's Cup nitong Biyernes, pero kumulo pa lalo ang dugo ni Ray Parks Jr. matapos umanong bastusin ni Calvin Abueva ang kaniyang kasintahan.

“Towards the end, noong lamang na sila. When he got fouled out, he even flicked her off. Called her, 'What now, (expletive)?' and then doing this on the bench (masturbating gesture). He even walked up to her and tried to do it again. He did it twice,” ani Parks sa isang panayam ng ABS-CBN Sports.

Aminado si Parks na hindi niya nakita ang pangyayari, ngunit handa niyang ipagtanggol ang girlfriend niyang si Maika Rivera.

“I was told after the game. If I saw it happen, I'll be honest with you, I would have got thrown out the game. For real. He's lucky I didn't see it,” ayon kay Parks.

“That ain't right. Beyond the game, that's disrespectful. I wouldn't call his wife a b-word. That's messed up.”

Ayon naman kay Abueva si Rivera ang nauna.

“ ’Yung ginawa sa’kin, alam niyo naman na na-foul trouble ako, nag-graduate ako, ang sabi sakin, ‘Hey, get out of here’ parang umalis ka dito, (expletive) ka. Ah talaga? Tingnan n’yo muna ’yung lamang. Sino ka? Bakit mo ako aanuhin? Nagkamali ka ata ng kinalaban,” ayon kay Abueva.

Ani Parks ipaparating niya ang insidente kay PBA commissioner Willie Marcial.

Kinakailangang magbayad ni Abueva at humingi ng dispensa, dagdag pa niya.

“That isn't right. How would you feel if you were in my shoes? How do you feel if that was your mother, your wife? The mother of your kids? That's not right. Some things have to be done. I'm not going to let this just pass. This needs to get settled,” sabi ni Parks.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.