Mayweather pumusta kay Isaiah Thomas, dangkal-dangkal na dolyares ipinanalo

ABS-CBN News

Posted at May 04 2017 01:13 AM

Simbolo ng swerte ang dahon ng shamrock na nakikita sa logo ng Boston Celtics. At tila napaulanan nito si dating boxing champion Floyd Mayweather noong Martes.

Batay sa kanyang tweet, pumusta si Mayweather kay Celtics guard Isaiah Thomas sa Game 2 ng kanilang East semifinal series kontra Washington Wizards. Nagpakawala ng 53 points si Thomas, kilalang kaibigan ni Mayweather, tungo sa 2-0 lead sa kanilang serye.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.