TINGNAN: Dating agaw-eksena sa PBA, ngayo'y tumutulong na sa gitna ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2020 11:25 PM

Mula pasaway, naging superhero si Paolo Felizarta sa lungsod ng Imus matapos makibahagi sa feeding program para sa mga naapektuhan ng lockdown.Czar Dancel, ABS-CBN News

Mula pasaway, naging superhero si Paolo Felizarta sa lungsod ng Imusmatapos makibahagi sa feeding program para sa mga naapektuhan ng lockdown.Czar Dancel, ABS-CBN News

Mula pasaway, naging superhero si Paolo Felizarta sa lungsod ng Imus matapos makibahagi sa feeding program para sa mga naapektuhan ng lockdown.Czar Dancel, ABS-CBN News

Mula pasaway, naging superhero si Paolo Felizarta sa lungsod ng Imus matapos makibahagi sa feeding program para sa mga naapektuhan ng lockdown. Czar Dancel, ABS-CBN News

Tila umiiwas na sa kontrobersiya si Paolo Felizarta na minsa'y nambulabog ng isang laro sa PBA.

Sa gitna ng enhanced community quarantine, nagdesisyon si Felizarta na makibahagi sa isang feeding program para sa mga residente ng lungsod ng Imus, Cavite nitong Miyerkoles.

Matatandaang naging viral si Felizarta nang pasukin niya ang playing floor ng Araneta Coliseum habang kasalukuyang naglalaro ang San Miguel Beer at Magnolia noong Mayo 2019.

Ayon kay Felizarta, ginawa lang umano niya iyon dahil kailangan niyang ipakalat sa madla ang mensahe ng pag-ibig.

Tulad ng insidente sa Araneta, naka-Spiderman costume din siya habang tumutulong sa pagluto at paghanda ng pagkain sa mga nangangailangan sa kaniyang lungsod.

Naging viral si Felizarta nang pasukin niya ang playing floor ng Araneta Coliseum habang kasalukuyang naglalaro ang San Miguel Beer at Magnolia noong Mayo 2019. Richard Esguerra, ABS-CBN Sports/file

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.