'Kalye Irving' ng Pinas, ipinamalas ang galing sa basketball

ABS-CBN News

Posted at Apr 06 2018 09:31 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ibinida ng isang bata mula Bacoor, Cavite ang kaniyang pambihirang galing sa basketball sa "Ayos ka Kid" segment ni Kuya Kim Atienza nitong Biyernes. 

Binansagang "Kalye Irving" ng Pilipinas ang 10 taong gulang na si Dan Andrei Ingco.
    
Kung kumilos at mag-dribble kasi ng bola, maikukumpara sa kaniyang idol na NBA player na si Kyrie Irving. 
    
Katapat ng isang basketball court ang bahay nina Ingco kaya bata pa lang ay naengganyo na siyang mag-basketball.
    
At dahil sa kanyang galing, nag-viral ang kaniyang video at itinampok pa sa “Little Big Shots” noong nakaraang taon. 

Dito siya nadiskubre ng Hype Streetball kung saan libre siyang tinuturuan at hinahasa pa sa basketball.

Dahil mabait at nagsisikap si Ingco na makapagtapos ng pag-aaral at maging PBA player, nabigyan siya ng full scholarship sa isang pribadong paaralan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.