Floyd Mayweather, nagbabakasyon sa Boracay

Bea Zaragosa, ABS-CBN News

Posted at Mar 31 2019 10:02 PM

BORACAY -- Sa hindi inaasahang pagkakataon dumating sa bansa lulan ng kanyang private plane si retired boxing superstar Floyd Mayweather Jr. Linggo ng umaga.

Sinalubong siya ng kaibigang si Lester Codog ng Foilacar Industries sa isang pribadong hangar sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Codog, biglaan ang pagbisita ni Mayweather, at pinlano lamang sa loob ng 24 oras. 

"They came from Dubai, and then after Dubai they came from Maldives. And the night I was sleeping I remember at around 11 o'clock they give me a ring. And they said, they want to visit Boracay because we remember Boracay was closed. And he was intrigued by how beautiful Boracay is. So that's the main purpose here. And the second one is we are in talks to do some commercials with him," aniya.

Matapos nag-almusal sa isang hotel, bumiyahe na papuntang Boracay si Mayweather.

Mula wharf hanggang sa hotel, pinagkaguluhan si Mayweather. Marami ang nabigla sa kaniyang biglaang pagdating.

Ayon sa avid fan na si Nigel Linang, kahit pa nagretiro na si Mayweather, umaasa pa rin siya na magkakaroon ng rematch laban kay Manny Pacquiao.

"I hope it will be a very good fight, I hope it will be soon, because Pacquiao is getting older. And he is already in his 40s. So it will be very exciting if a rematch will occur very soon," ani Linang.

Kinumpirma naman ni Codog na handa si Mayweather na makipag-usap kay Pacquiao.

"Oh yes on Tuesday, it's gonna be 100 percent sure because when we were together, I opened up the idea about maybe they can play checkers or dominos. Or maybe to do a shootout together. He is very open to do that. He said let me just relax off my jetlag, Les. Maybe when we come back in Manila, we can have coffee or talk with Manny," aniya.

Nanatili sa isang pribadong resort si Mayweather kasama ang mga malalapit na kaibigan.

Karamihan sa kanila, first time sa Boracay, lalo na ang tatlong piloto.

"We absolutely love the Philippines. We've been to Manila, we've been to El Nido, now we are here in beautiful Boracay. The weather is absolutely perfect. This place is absolutely just beyond words. The weather is perfect, the resort is beautiful, the people are wonderful. We enjoy the Filipino culture. We really enjoy bringing the champ here," ani AJ Ramey, chief pilot ni Mayweather.

"Second time in the Philippine but Boracay is absolutely beautiful. The water is great, beautiful weather, I couldn't ask for more right now. It is great to be here. And it is even more fun to bring the champ here," dagdag pa ng pilotong si Genrty Long.

Hindi muna nagpaunlak ng panayam si Mayweather. Nananatiling palaisipan ang biglaang pagdating niya na nagpalakas naman sa mga usap-usapan ng posibleng pag-uusap sa inaabangang rematch nila ni Pacquiao.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.