TINGNAN: Slaughter, ex Ginebra teammate Chris Ellis magkasamang mag-ensayo sa gym

ABS-CBN News

Posted at Mar 25 2020 01:33 AM | Updated as of Mar 25 2020 03:43 AM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Living the dream. 🐉🐉 #IsolatedGym

A post shared by Gregory Slaughter (@gregslaughter) on

Habang nanatili ang karamihan sa mga PBA player sa loob ng kani-kanilang mga bahay, pinili naman ni Greg Slaughter ang mag-ensayo sa gitna ng kaniyang “sabbatical.”

Sa isang Instagram post, makikitang nasa loob ng isang gym sa US si "Gregzilla" kasama ang dating Barangay Ginebra teammate na si Chris Ellis.

Suot suot ni Slaughter ang No. 10 jersey ni Kobe Bryant na ginamit ng yumaong NBA player noong nasa Team USA siya.

Matatandaang inanunsyo ni Slaughter na hindi muna siya lalaro sa PBA makaraang hindi umano siya bigyan ng offer ng kaniyang koponan.

Nag-expire ang kaniyang kontrata sa Ginebra noong nakaraang PBA season.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

🐉 x 🐉 grind! #DoubleDragon

A post shared by Gregory Slaughter (@gregslaughter) on

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.