PBA: Imbes na maghanda sa birthday, Ryan Arana tumulong sa COVID frontliners

ABS-CBN News

Posted at Mar 24 2020 08:52 PM

Sa pagdiwang ng kaniyang 37th birthday nitong Lunes, naisipan ni PBA player Ryan Arana na ibahagi ang kaniyang mga blessing sa mga nasa frontline kontra COVID-19 pandemic.

"This is how I celebrated my birthday. Instead of having a party, I planned on making it more meaningful by celebrating with our heroes in the streets. Thank you to our frontliners, security guards, policemen etc," sabi ng Rain Or Shine guard sa kaniyang Instagram post.  

Aniya nakakataba ng puso ang mapangiti niya ang mga kababayan na naghahanap ng good vibes sa gitna ng krisis na kinahaharap hindi lamang ng Pilipinas, kundi ng buong mundo.

"It was a simple act yet seeing their big smiles made it fulfilling. I hope we can spread kindness and positivity especially at a time like this. Special thanks to all the people here at home who helped me with all the preparations. Cheers everyone 🍻"

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.