PANOORIN: Harden butata kay Leonard sa panalo ng Spurs

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2017 05:21 PM

Panoorin kung paanong nag-tapat sina Kawhi Leonard at si James Harden nang magbangaan ang San Antonio Spurs at Houston Rockets sa NBA.

Kapwa nagtala ng tig-39 puntos ang dalawang NBA superstars sa thrilling match-up ng Spurs at Rockets sa AT&T Center.

Pero na kay Leonard ang huling halakhak nang matapal niya si Harden sa huling 20 segundo ng laro habang lamang pa ang Spurs, 110-108.

Natapos ang laban, 112-110, pabor sa Spurs. 

Iyon na ang ikawalong sunod na panalo ng San Antonio na nag-improve sa record na 49-13, kasunod lamang ng Western Conference leader Golden State.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.