Pagpalit ni Kiefer sa jersey No. 24 para kay Kobe, OK na sa PBA

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 08:42 PM

Pinayagan na ng PBA sina Kiefer Ravena ng NLEX at Vic Manuel ng Alaska sa kanilang hiling na gamitin ang No. 24 ngayong taon bilang pagpupugay sa yumaong NBA legend na si Kobe Bryant.

Pareho umanong masugid na tagahanga ni Bryant ang dalawang PBA player.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, hindi isyu ang magpalit ng jersey number basta aabisuhan sila ng maaga.

“I-notify lang nila nang mas maaga ’yung liga para mailagay sa official roster ’yung bagong jersey number nila,” ani Marcial sa artikulong lumabas sa Spin.ph.

Dating gamit ni Manuel ang No. 87, samantalang si Ravena naman No. 15.

“Ito na suot ko na ’yung (number) 24. Binigyan na ako ng number 24," pahayag ni Manuel. “Sobrang idol ko kasi ’yung si Kobe.”

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.