PANOORIN: Ginebra fan na naging Internet sensation may bagong awitin

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2017 04:10 PM

Natatandaan n'yo ba si Maria Gracia Gonzales?

Siya ang Barangay Ginebra fan na lumikha ng sarili niyang bersyon ng awit ni Gary Granada na "Kapag Nananalo ang Ginebra".

At dahil muling maglalaro ang paborito niyang koponan sa PBA Philippine Cup finals, sumulat siya ng orihinal na awitin para sa kanyang mga idol. 

Ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account. 

 

Unang nakilala si Gonzales noong Oktubre ng nakalipas na taon nang maging viral ang kanyang video kung saan inawit nito ang komposisyon ni Granada. Naimbitihan pa si Gonzales na mag-perform sa isa sa finals games sa pagitan ng Ginebra at Meralco sa PBA Governors' Cup.

Biyernes ang simula Philippine Cup finals ng Ginebra kontra San Miguel.

(For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.)