PBA: Terrence Romeo na-injure sa tune-up game

ABS-CBN News

Posted at Feb 21 2020 10:13 PM | Updated as of Feb 21 2020 10:14 PM

Mukhang na-injure ang kanang paa ni Terrence Romeo. Richard Esguerra, ABS-CBN Sports

MAYNILA -- Lalong magiging kumplikado ang kampanya ng San Miguel Beer sa darating na PBA Philippine Cup matapos malagasan na naman ng player sa tune-up game nila laban sa Alaska.

Nasaktan ang kanilang prized guard na si Terrence Romeo nang matapilok ang kanyang kanang paa sa isang exercise equipment malapit sa playing court, ayon sa report ng Spin.ph.

Matatandaang na-injure din ang kanilang premyadong center na si June Mar Fajardo na nag-sustain ng fracture sa kanyang kanang tibia.

Hindi rin makasali sa preseason buildup si Marcio Lassiter matapos mabalian ng ilong.

"Pagkatapos ko tumira, natapakan ko 'yung parang bike na bakal. Pag-step ko, may tumunog eh," kuwento ni Romeo.

"Sana tapilok lang talaga."

Nanalo ang Alaska sa tune-up game, 81-79.

For more sports coverage, visit the ABS-CBN Sports website.