PBA: Pringle sa coaching ni Cone sa Ginebra — ‘I just opened my ears’

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2020 08:41 PM

Ayon kay Stanley Pringle, malaki ang utang ng loob niya sa Barangay Ginebra, partikular kay head coach Tim Cone. PBA Media Bureau

Sa wakas, nakatikim ng kampeonato sa PBA si Stanley Pringle.

Kaya ayon sa high-scoring guard, malaki ang utang ng loob niya sa Barangay Ginebra, partikular kay head coach Tim Cone.

"Playing under coach Tim, (with) his guidance and his knowledge for the game, it's deep. He's been around so long and he's the winningest coach," kuwento ni Pringle sa artikulong ipinost sa ABS-CBN Sports.

"I owe him a lot of credit just for the fact that I came here and was able to adapt to their system. I really just came here, opened my ears, and executed."

Pumasok sa PBA si Pringle noong 2014 nang idraft siya ng GlobalPort kung saan semifinals lang ang pinakamalayong narating niya.

"Even though it took me — what four and a half years — it was well worth the wait. I think that's the way to go, just focus on your work ethic and being the best player you can be," ani Pringle.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.