Ambisyon ni Conor McGregor? Agawin ang korona sa boxing ni Pacquiao

ABS-CBN News

Posted at Jan 17 2020 06:28 PM

Welterweight fighter Conor McGregor sa gitna ng pag-promote ng kaniyang UFC 246 na laban kontra Donald Cerrone sa darating na Sabado. Steve Marcus, Getty Images/AFP

Iginiit ni MMA superstar Conor McGregor nitong Huwebes ang plano niyang mag-boxing uli at sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. ang pinaplano niyang kalabanin.

Sa isang press conference para sa laban niya kontra Donald Cerrone sa UFC sa darating na Sabado, sinabi ni McGregor na gusto niyang makaharap uli si Mayweather sa isang boxing match.

Sinabi niyang nakikipag-ugnayan din ang kaniyang kampo kina Pacquiao.
 
"I would love that Floyd rematch. I feel now I could take that victory. The Manny Pacquiao fight, talks have been ongoing on that," pahayag ni McGregor.

"For me an aspiration is to win a boxing title. I think that would be a phenomenal feather on my cap and something I've been looking to achieve in the future.

Kasalukuyang hawak ni Pacquiao ang world welterweight title.

"It's something I will achieve. I'm back with my boxing coaches. They sat me down on my punches, we cleaned up some things. I feel I'm confident with my boxing abilities. It will be an honor to come back to boxing," ayon kay McGregor.

Matatandaang hinamon na ni Pacquiao si McGregor nang mag-post siya ng mensahe sa Instagram noong pang 2017.

Nangyari ang paghamon ilang buwan matapos matalo ni Mayweather si McGregor sa isang 10th round TKO.

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.