Donaire, tumulong magpamigay ng 100 bahay sa mga biktima ng ‘Yolanda’

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2018 12:54 AM | Updated as of Jan 07 2018 10:50 PM

(UPDATED) Napatunyan muli ni Nonito Donaire Jr. na hindi lang siya kampeon bilang isang boksingero, kundi bilang humanitarian.

Lumipad ngayong linggo sa Iloilo ang dating world champion upang saksihan ang pag-turn over ng 100 bahay na proyekto ng Greg Secker Foundation.

Nagsimula ang proyekto noong 2015 bilang tugon ng Greg Secker Foundation sa pananalanta ng bagyong Yolanda sa bayan ng Lemery sa Iloilo.

"I am so honored to be an invited guest to witness the opening ceremony and handover of homes to the recipients at the Greg Secker Foundation Village in Iloilo. This amazing initiative from Greg Secker will help 100s of families rebuild their lives," ani Donaire sa Facebook.

 

 

Hindi na bago kay Donaire ang tumulong sa mga kababayan niyang nangangailangan.

Noong 2009, nag-donate si Donaire ng P1 million sa proyektong pabahay para sa mga biktima ng bagyong Ondoy.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.