Stanley Pringle sabik nang maglaro sa unang PBA finals

ABS-CBN News

Posted at Jan 04 2020 07:02 AM

Naghahanda na si Stanley Pringle sa pinakauna niyang PBA finals appearance kung saan muling maghaharap ang kaniyang Barangay Ginebra at Meralco para sa kampeonato ng 2019 Governors’ Cup.

Ito ang unang pagkakataong makakalaro ang premyadong guard sa isang PBA title series, limang taon mula nang pumasok siya sa liga.

Game 1 ng best-of-7 finals ay sa Araneta Coliseum sa Martes.

“It’s really big, my first finals appearance,” ani Pringle sa artikulong ipinost sa ABS-CBN Sports.

“But I’ve played on big stages before, so I’ll give everything I have. My teammates know that.”

Pero kung gaano kahalaga ang PBA series sa kaniyang karera, ganoon din ang pokus na inilalaan niya rito. Aniya, ayaw niyang ma-pressure sa kaniyang finals debut.

“I thank my teammates and the coaching staff, but I'm not really thinking too much of it. I'm just gonna play hard and leave it all on the floor, try to get a championship,” pahayag ni Pringle.

“I expect everybody to be healthy and ready to go. It should be a real exciting finals.”

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.