17 Pinoy lumikas sa Libya matapos salakayin ng armadong grupo

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 05:32 AM

Napilitang lumikas ang 17 pinoy matapos puwersahang kubkubin ng mga armadong lalaki ang gusaling tinitirhan sa Tripoli, Libya, ayon sa embahada ng Pilipinas.

Ayon kay Chargè d'Affaires Elmer Cato, nasa ligtas na kalagayan na ang 17 Pinoy at nasa piling na ng mga kamag-anak at kaibigan sa iba pang bahagi ng Libya.

Dahil dito, muling nananawagan ang embahada sa mga Pinoy sa Tripoli na lumikas na o maghandang lumikas sakaling abutin ng mga kaguluhan.

Buwan ng Abril nang magsimula ang mga kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng Libya matapos ang ikinasang opensiba ni Gen. Khalifa Haftar ng Libyan National Army upang mabawi ang Tripoli mula Government of National Accord na kinikilala ng United Nations.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.