Pinay domestic helper, patay matapos tumalon umano sa gusali sa Kuwait

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at Nov 28 2018 11:07 PM

MAYNILA - Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga lokal na awtoridad ng Kuwait kaugnay ng pagkamatay ng isang overseas Filipino worker doon nitong Martes.

Ayon kay Charg√© d’Affaires Noordin Lomondot, tumalon umano mula sa ikatlong palapag ng bahay ng amo sa Sabahiya, Kuwait ang hindi pa pinapangalanang Pinay domestic helper na mula sa Isabela.

Iniimbestigahan na rin ang insidente ng Kuwaiti authorities.

Nagpahatid na rin ng pakikiramay ang DFA sa pamilya ng OFW at tiniyak na tutulong sa pag-uwi sa bansa ng labi ng biktima.