Japan tatanggap na ng Pinoy caregivers sa Setyembre: POEA

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2018 08:20 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sa susunod na buwan na nakatakdang simulan ang pag-hire at deploy sa mga Filipino caregiver patungong Japan.

"This September 2018, next month, we will begin the deployment or hiring of caregivers bound for Japan under the TITP," ayon kay Undersecretary Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.

Ani Olalia, ang TITP o Technical Internship Training Program ay bagong deployment scheme sa ilalim ng Japanese government.

Wala pang eksaktong bilang ang POEA pero aniya, "napakalaki ng demand ng caregivers sa Japan."

Tiniyak din niya na malaki ang sasahurin ng mga magtatagumpay na aplikante o nasa higit sa P50,000 kada buwan.

"Yung sweldo ay the same sa mare-receive ng mga Japanese national yun po ang ating hiling, may equal treatment po tayong hiniling sa mga employers doon at ibibigay naman po nila. So mas mataas pa po kaysa sa natatanggap nila dito so more than P50,000 a month po yung, for sure," sabi ni Olalia. 

Dagdag ni Olalia, pwedeng mag-apply ang sinuman na nasa 18-anyos pataas, may at least 1 year caregiving experience o may kaugnayan sa medical field. Dapat din mayroon NC2 certification mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). 

Paalala naman ni Olalia sa mga aplikante na mayroon lamang 188 authorized licensed recruitment agencies na kasali sa TITP.

"Out of that 188, 'di po natin papayagan. No placement fee, walang babayaran na recruitment fees ang ating caregivers na magta-trabaho dito," ani Olalia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.