Bangkang sinasakyan ng 7 Pinoy tumaob sa Brunei

ABS-CBN News

Posted at Aug 12 2019 04:56 PM

Isang bangkang pangisdang may sakay na 7 Pinoy ang tumaob sa katubigang sakop ng Brunei, sabi ngayong Lunes ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Brunei para sa mga update ukol sa search and rescue operation sa tumaob na fishing vessel na Radims 2.

Agosto 7 nang huling magkaroon ng komunikasyon sa may-ari at kapitan ng Radims 2, na may 11 kabuuang sakay, ayon sa DFA.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.