'Hello, Love, Goodbye' screenings sa Middle East dinumog ng fans

ABS-CBN News

Posted at Aug 09 2019 05:49 PM | Updated as of Aug 09 2019 08:59 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

KUWAIT — Sabay-sabay nagbukas sa mga sinehan sa Middle East nitong Huwebes ang pelikulang "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. 

Dahil dito, full-force ang tambalan nina Bernardo at Richards na dumayo pa sa Dubai para sa pagbubukas ng kanilang pelikula. 

"Salamat po sa mga kababayan natin dito sa Dubai na noong pre-selling pa lang ng tickets ay inubos na nila agad for the premiere," sabi ni Richards. 

'Excited ako especially sa mga OFW (overseas Filipino workers)... For sure makaka-relate lahat 'yung mga Pilipino abroad [sa movie]," sambit naman ni Bernardo. 

Tuwang-tuwa naman ang OFWs matapos nila mapanood ang blockbuster na pelikula ukol sa mga Pilipinong migrant worker din. 

"We don't have to apologize for our dreams but we should love ourselves din," ang pagtanto ni Janelle Yasay, OFW sa Riyadh. 

Sa Jeddah naman, makasaysayan ang "Hello, Love, Goodbye" dahil ito ang kauna-unahang pelilkulang Pilipino na ipinalabas sa sinehan doon.

Maging ang Philippine Consulate General sa Jeddah, todo-suporta at hindi pinalagpas ang pelikula.

"Very good, excellent at ang ganda ng storya. Nag-enjoy ang mga nanood... And the message talagang universal. Congratulations," sabi ni Edgar Badajos, Philippine Consulate General sa Jeddah.

Ipalalabas ang "Hello, Love, Goodbye" sa Gitnang Silangan hanggang sa susunod na linggo, timing sa mahabang Eid al-Adha holiday.

— Ulat ni Maxxy Santiago, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.