Pugante sa US huli matapos magtago nang 46 taon

ABS-CBN News

Posted at Aug 07 2020 02:55 PM

Arestado ang isang 77 anyos na pugante sa Amerika matapos ang 46 taong pagtatago, ayon sa Federal Bureau of Investigation nitong Huwebes.

Tumakas si Luis Archuleta mula sa isang kulungan sa Colorado at naninirahan bilang senior citizen sa isang payak na bayan sa New Mexico.

Nanirahan sa pangalang Ramon Montoya si Archuleta, na nakulong taong 1974 matapos barilin ang isang police officer sa Denver.

"This arrest should send a clear signal to violent offenders everywhere: The FBI will find you, no matter how long it takes or how far you run, and we will bring you to justice," ani FBI Denver Special Agent in Charge Michael Schneider sa isang pahayag.

Ibabalik si Archuleta sa Colorado para maharap ang mga kasong isinampa laban sa kaniya matapos tumakas sa kulungan.

"The passing of time does not erase or excuse his crimes," ani Denver police chief Paul Pazen.

-- Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.