Pinoy 'Nurse of the Year' sa London, 'doktor' na ng mga sasakyan

Rose Eclarinal, ABS-CBN Europe News Bureau

Posted at Jul 10 2018 09:44 AM

Hindi na nagdalawang-isip pa si Teodoro “Junjun” Medran (L) nang magbukas ang pagkakataon para sa negosyo. Iniwan ni Medran ang kaniyang trabaho bilang nurse at sinusubok ngayon ang pagiging negosyante at duktor ng mga sasakyan. Larawan mula kay Thirdy Ado 

LONDON -- Pinatunayan ng isang Pilipino na walang pinipiling edad and pagne-negosyo. Dapat lang daw maging risk-taker at sundin ang nasa puso. 

Noong 2011, kinilala si Teodoro “Junjun” Medran, tubong Oriental Mondoro bilang Nurse of the Year. Mula sa 600 nominees sa Brighton and Sussex University Hospital (BSUH), si Medran ang napili dahil sa kaniyang excellent patient care. Clinical nurse manager siya noon sa BSUH. 

Ngayon, nagbago na siya ng landas para tuparin naman ang iba pa na niyang passion: ang maging mekaniko at negosyante. Noong 2016, sinumulan ni Medran ang JV Autoclinic sa East Grinstead. 

“I have done service to humanity, why not chase my other dream. ‘Yun ang time na dami ng transition ng buhay ko. I lost my mom and then after, my father and I realized life is too short,” sabi ni Medran. 

Kaya mula sa pagiging nurse, "doktor" na siya ng mga sasakyan. Naimpluwensiyahan raw siya ng pagkahilig sa sasakyan at pagkumpuni ng sira nito ng kaniyang ama na dating jeepney driver sa Mindoro. 

Alam rin niya na may potensyal ang negosyo sa sasakyan dahil rin sa kaniyang ama--na sa tulong ng kaniyang ina na teacher--napagtapos silang 4 na magkakapatid ng nursing. 

Sabi ni Medran, walang age limit sa negosyo at hindi pa huli kahit nga may magandang career sa National Health Service o NHS. 

“Kasi ang sa motor service may bad reputation. So, sabi ko, why not bring yung approach natin sa NHS dito and it worked. Pag may customer, ina-apply ko pa rin yung pag-care ko sa pasyente. Dito sa customer naman. That’s why we are on top of the business in the area,” paliwanbag ni Medran. 

Iba raw ang pasok ng pera sa negosyo. 

"Mahirap talaga na iwanan ko ang nursing kasi I was on the top of my career that time. So bakit ko gagawin ito? Pero ibang–iba ang dating ng pera sa business," ani Medran. 

Dahil sa magandang reputasyon ni Medran sa trabaho, hinanap siya ni Dr. Vivek Kaul na nagta-trabaho naman sa parehong ospital. Inalok siyang maging business partner. 

Sabi pa ni Dr. Kaul, hindi nagbago ng disposisyon ang Pinoy nurse at patuloy daw nitong dala ang magandang imahe ng mga Pinoy kahit wala na siya sa health care sector. 

“He has a very helpful personality. In the middle of the night, he was always smiling, cheering patients on. I found he was a special person,” paliwanag ni Kaul. 

Hindi na pasyente sa ospital ang kaharap ni Medran, kundi mga sasakyang may sakit. At sa bagong negosyo naman ina-apply ni Medran ang naging sikreto niya sa pagiging Nurse of the Year.

“We wanted people to be treated in a fair honest way, like in the NHS. That’s the basic principle in the business, that’s why I thought Junjun was the right guy for it,” sabi ni Kaul. 

Kahit mga klineyente, bilib sa galing ng dating Pinoy nurse. 

“He is very respectful and he is doing a good job and very excellent service,” sabi ni Claudio Priori. 

Dalawang taon pa lang sa negosyo si Medran pero marami na siyang natutunan. May payo rin siya mga nais mag-career shift.

“Pag may bagay kayong gustong gawin, huwag kayo mag-alinlangan. Ipa sa Diyos at ipanalangin mo and give your best shot everyday.” 

Ang oportunidad daw sa pagne-negosyo, kapag kumatok, huwag palalampasin dahil baka di na bumalik na muli.