Ilang OFW na nakilahok sa protesta sa Hong Kong, maaaring mawalan ng visa

ABS-CBN News

Posted at Jul 05 2019 09:49 AM | Updated as of Jul 05 2019 10:00 AM

FILE PHOTO: Anti-extradition bill protesters stand behind a barricade during a demonstration near a flag raising ceremony for the anniversary of Hong Kong handover to China in Hong Kong, China July 1, 2019. REUTERS/Tyrone Siu/File Photo

MANILA - May ilang Pilipino ang nakilahok sa malawakang protesta laban sa pagdinig ng isang kontrobersyal na extradition bill sa Hong Kong, ayon sa Philippine Consulate, Biyernes.

"May ibang Pilipino ang sumasali sa demonstrations," ani Antonio Morales, Consul General ng Pilipinas sa Hong Kong.

Hindi sinabi ni Morales kung ilang Pilipino ang namataan sa malawakang protesta, ngunit binalaan niya ang mga Pinoy na huwag nang sumali sa mga naturang rally.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Pinapaalalahanan natin na kung sila ay sumali, maaaring magkaron sila ng problema sa immigration dahil baka ito ay i-consider na pangengealam sa kanilang pulitika," ani Morales.

"Maaari silang masaktan kung nagkagulo at maaari rin silang mawalan ng visa kung sila ay kasuhan ng immigration dito," dagdag niya.

Noong Lunes ay naging mas matindi ang mga protesta sa Hong Kong matapos basagin ng mga nagra-rally ang ilang bahagi ng Legislative Council building.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.