Tips sa home quarantine, ibinahagi ng mga Pinoy sa Netherlands

Jofelle P. Tesorio, ABS-CBN News

Posted at Mar 18 2020 12:32 PM

Mapapansing tahimik ang dati-rating abalang city center ng Haarlem, sa The Netherlands, Lunes, Marso 16. Larawan mula kay Jofelle Tesorio, ABS-CBN News

HAARLEM, The Netherlands - Sa deklarasyon ng pagsara ng mga eskuwelahan, restaurants, sports schools, sauna, spa, cafes at coffee shops noong Linggo, Marso 15, ilang Pinoy sa The Netherlands ang nagbahagi ng mga tips sa social media kung paano mas maayos na gugugulin ang pananatili sa bahay.

Sa post nina Florisa Almodiel, isang Filipino community leader, at Genibe Molabin, ilang online courses kung saan puwedeng mag-enrol nang libre ang kanilang ibinahagi. 

“Want to learn the Art of Persuasive Writing and Speaking at Harvard University? Or perhaps learn the basics of Negotiation from Yale University? You can choose from a lot of courses in different fields: business, art, humanities, social science, education and teaching, math, computer science, programming, data science, etc,” ayon sa post na may link kung saan puwedeng mag-register at may 250 na mga libreng courses ang available.

Mayroon ding nagbahagi ng mga free educational websites sa mga bata na kailangang tuloy-tuloy pa rin ang pag-aaral kahit nasa bahay.

Si Bituen Hidalgo ay madalas na nagpo-post ng mga larawan ng bulaklak sa kaniyang hardin lalo na ngayong malapit na ang spring.

“Flower park Keukenhof will not open next week as scheduled due to corona. With some sadness, I looked around in our garden. Just sharing what are in the garden as of today. I hope these flowers will de-stress you too somehow,” ayon sa post ni Hidalgo.

Ang iba naman ay pampa-good vibes ang binabahagi gaya ng mga post na, “it would be nice to see you singing!” mula kay Rhea Topacio kung saan nagre-record sila ng kanyang pamilya ng video habang kumakanta.

Ang karamihan naman ay nasa mga chat groups, nagku-kuwentuhan sa mga kaganapan sa buong mundo.

Marami rin sa ating mga kababayan ang nagbabahagi ng dasal at nagpapaalala sa isa’t isa ng pag-iingat at pagiging kalmado.

SEKTOR SA FRONTLINE

Bagaman sarado ang mga eskuwelahan, may contingency measures ang mga ito para sa mga bata na ang mga magulang ay kailangang magtrabaho dahil sila ang nasa front line gaya ng mga nasa health sector, military, pulis, old homes, groceries, public transportation at iba pang mahahalagang pampublikong sektor.

Bukas ang mga grocery, botika at iba pang tindahan.

Ang mga restaurants ay maaari pa ring mag-deliver, gaya ng Baryo Pilipinas restaurant sa The Hague na sarado subalit puwede ang pick-up o delivery sa pamamagitan ng malalaking online delivery services, mula alas 5 ng hapon hanggang alas 8 ng gabi.

May mga Pinoy naman na nagpahayag din ng pagkabahala sa social media.

Ayon kay Molabin, FilCom leader na nasa house services sector, marami sa kanila ang hindi muna pinapasok ng kanilang mga employer. Kaya mahalaga aniya ang proteksiyon sa informal services sector at ipon sa mga ganitong hindi normal na panahon.

Samantala, sa 10-minutong state of the nation address ni Dutch Prime Minister Rutte noong Lunes, Marso 16, sinabi nito na ang stratehiya ng bansa ay “maximum control” upang hindi lumaganap ang COVID-19.

“The aim is to try to spread the peak infection over a longer period, while we build up immunity. This means that hospitals and intensive care units are not overburdened and they have capacity to help the people most in need,” aniya.

Binigyang diin niya ang kapakanan ng mga matatanda at maysakit.

“I understand you are worried. It’s our priority to make the risks for you as small as possible,” ayon kay Rutte. 

“Many people in the Netherlands will develop the virus in the coming period. And the more people who are immune, the less the chance to spread it to the elderly and people with poor health. It will take months to build this up and in the meantime, we must protect people,” sabi niya.

Nabanggit rin niya ang magiging kahihinatnan ng ekonomiya at sa mga negosyo at manggagawa.

“Many people are worried about their jobs. Many businesses have their backs against the wall,” ani Rutte. “My message to the workers of the Netherlands is that the government will do everything it can to support you so that your business doesn’t fail and you don’t lose your job. It will be difficult but, we won’t let you down.” 

Panghuli, pinasalamatan niya ang mga taong nasa frontline ngayon.

“Cleaners, nurses and doctors in hospitals, ambulance staff, and other emergency staff – to them and all who stay at their posts, in schools, daycare centers, and supermarkets, I want to say: you are doing fantastic work. Thank you.”

Para sa lahat, sinabi niyang maging mapagbantay at alagaan ang isa’t isa.

“Stay alert and follow the advice, even if you are strong and healthy. Listen to the experts, help while you can. This is a time when we have to find each other, to put the communal need above our own needs... The challenge we are facing is big and together, we will get through this difficult period. Take care of each other. I’m counting on you,” pagtatapos niya.

Huling nagbigay ng state of the nation ang Dutch prime minister noon pang 1970s, sa kasagsagan ng oil crisis.

Sa tala ng public health ministry na RIVM, umabot na sa 1,705 ang positibo sa COVID-19 sa The Netherlands, at 43 naman ang nasawi, na nasa edad mula 63 hanggang 94.