TFC naging tulay sa love story ng Pinoy at kaniyang 'forever'

Don Tagala, ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2020 07:42 PM | Updated as of Feb 19 2020 09:10 PM

Ngayon, nabuo na raw ang pira-piraso nilang puso sa pag-iisang dibdib nila noong 2019. Screengrab

MAYNILA — Taong 2007 nang magkaroon ng koneksiyon ang Amerikanong journalist na si Jonathan Block sa Pilipinas matapos niyang tulungang makapag-aral ang isang batang Pinoy.

Para mapalapit sa kaniyang Pinoy scholar at sa kultura ng Pilipinas, natuklasan niya ang The Filipino Channel (TFC) ng ABS-CBN.

"I discovered that there was TFC... I was able to get it in my cable system and luckily a lot of the programs have English subtitles and from there my love for the Philippines just got stronger and stronger," ani Block. 

Watch more in iWant or TFC.tv

Dahil sa mga palabas sa TFC, naengganyo na rin siyang kumain ng balut, sisig, at iba't ibang pagkaing Pilipino sa Woodside, ang tinaguriang "little Manila" ng New York.

Pero makalipas ang higit 1 dekada, hindi na siya mag-isang nanonood ng TFC dahil mayroon na siyang asawang Pinoy din. 

LOVE STORY

Taong 2013 nang pinakiusapan si Block isakay ang Pilipinong paralegal at chemical engineer na si Pepe Delicana papunta sa isang Filipino party at doon na nagsimula ang kanilang love story.

"He started talking about the Philippines, TFC, telenovela, Vice Ganda, any celebrity. I was like 'How can this white guy become very into the Philippines?' so I become very very curious," ani Delicana.

Ngayon, nabuo na raw ang pira-piraso nilang puso sa pag-iisang dibdib nila noong 2019. 

Sabi pa ni Block, ngayong natagpuan na niya ang kaniyang “forever,” sabay na daw silang tatanda sa pagretiro nila sa Pilipinas. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.