Pilipinas, Saudi pag-uusapan ang mga business investment sa ARMM

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2019 05:56 AM

RIYADH, Saudi Arabia - Dumating sa Riyadh Lunes ng gabi ang ilang mambabatas para sa diyalogo ng Pilipinas at Saudi Arabia ukol sa posibleng business investments. 

Pangungunahan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pag-uusap ng mga oportunidad lalo't na para sa mga Bangsamoro.

"Since we have just ratified the Bangsamoro law, I brought here 6 congressmen and congresswomen for the Bangsamoro, to be able to help, fulfill the expectation of the Bangsamoro people that there will be more jobs, prosperity," aniya.

May mga proposal na dala-dala ang mga mambabatas para ipresenta sa Shura Council.

"Meron kaming 6 proposal para sa lugar namin sa ARMM. Bawat isa sa amin may dalang proposal , maghahanap ng investment, para magkaroon naman ng business sa ARMM," ani Lanao del Sur 2nd District Rep. Mauyag Papandayan Jr.

Ang Shura Council ay ang formal advisory body ng Saudi Arabia, katumbas ng Kamara ng Pilipinas.

Ayon kay Ambassador Adnan Alonto, marami umanong investment ang iniaalok ng Saudi Arabia.

"To give you an idea, there would be an opportunity for seaweed industry in Tawi-Tawi and Sulu area and cacao in perhaps the Basilan or Cotabato area and coffee plantation in Cotabato area as well," aniya.

May mga nakalaan din umanong mga investment sa Marawi.

"And then I think there are proposals for the rehabilitation of hospitals there right in the middle of ground zero in Marawi City. Something that might be attractive to some investors to put up a hospital in the Bangsamoro," dagdag nito. - ulat ni Sherwin Zuniga, ABS-CBN News