Mga OFW sa Jordan binalaang huwag mag-post ng larawan ng mga alaga sa social media

ABS-CBN News

Posted at Jan 21 2020 07:14 PM

MAYNILA - Binalaan ng embahada ng Pilipinas sa bansang Jordan ang mga OFW doon laban sa pagpo-post ng mga larawan ng mga alaga o mga anak ng kanilang amo sa social media nang walang pahintulot.

Ayon sa embahada, may mahigpit na batas at parusa sa mga mapatutunayang nagpost ng larawan ng kanilang mga alaga.

Ito'y lalo na kung ang hubad na mga larawan ng mga bata ang pinost sa social media.

Paalala ng embahada, mahigpit ang batas ng Jordan at sa buong Middle East laban sa pagpo-post ng larawan ng mga bata dahil sa kaugalian, paniniwala, at relihiyon ng mga tao doon. - Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.