P6.8 milyong ‘shabu’ nasabat sa Laguna; 3 arestado

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 08:07 PM

LAGUNA—Aabot sa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha sa tatlong lalaki matapos ang buy-bust operation Martes ng gabi sa Barangay Pacita, lungsod ng San Pedro sa lalawigang ito.

Nasa 9.5 kilo ng hinihinalang shabu ang kinumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Central Luzon sa mga suspek. 

Kinumpiska rin ng PDEA sa mga suspek ang isang digital weighing scale, mga cellphone, ilang bankbook at resibong posibleng may kaugnayan sa ilegal na aktibidad ng tatlong suspek.

Nakapiit na ang mga suspek sa custodial facility ng PDEA Central Luzon habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. — Ulat ni Jonathan Vega Magistrado, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.