P350,000 halaga ng paputok, kinumpiska sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Dec 31 2019 06:39 PM

Isang batang lalaki ang nasagutan matapos maputukan ng paputok Enero 1, 2014. Ayon sa awtoridad nitong Martes, humigit kumulang P350,000 halaga ng mga ilegal na ibinebentang paputok ang kinumpiska sa isinagawang Oplan Iwas Paputok ng iba’t ibang istasyon ng Manila Police District. Noel Celis, AFP/file

MAYNILA—Humigit kumulang P350,000 halaga ng mga ilegal na ibinebentang paputok ang kinumpiska sa isinagawang Oplan Iwas Paputok ng iba’t ibang istasyon ng Manila Police District (MPD) mula sa iba’t ibang panig ng siyudad. 

Karamihan ng mga nakumpiskang ilegal na ibinebentang paputok ay mula sa Divisoria.

Kabilang sa mga nasabat ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng super lolo, great grandfather, pop pop, whistle bomb, sinturon ni hudas, pla pla, at boga.

Ayon kay MPD Chief Police Brig. Gen. Bernabe Balba, ite-turnover sa explosives ordnance division ang mga nasamsam na paputok para sa inventory at proper disposal. 

Hinimok din ni Balba ang publiko na gumamit na lamang ng mga alternatibong pangpaingay tulad ng torotot upang maging ligtas ang pagsalubong sa bagong taon. — Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.