Lalaking tumatawid, patay nang magulungan, makaladkad ng kotse

Dianne Dy, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 06:01 PM | Updated as of Dec 31 2019 05:03 AM

BATAC CITY - Patay ang isang lalaking tumatawid sa kalsada matapos magulungan at makaladkad ng isang kotse sa highway ng Barangay Baay sa Batac City, Ilocos Norte noong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Cesar Mindana, 44 anyos. 

Base sa imbestigasyon, tumatawid ito nang mabangga at makaladkad ng kotse na may layong 5 kilometro.

“Natumba dahil sa kalasingan, nagulungan ng koste tapos yung kotse, hindi napansin na yung biktima, sumama sa silong ng kotse hanggang sa San Nicolas Police Station meron nagsabi na may tao sa silong niya,” paliwanag ni Police Major Artemio Clemente ng Batac City Police.

Agad namang sumuko ang drayber sa estasyon ng pulisya.

Nagkaayos na rin ang pamilya ng biktima at ang drayber.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.