Interior Secretary Año, handang pangasiwaan pansamantala ang PNP

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2019 11:47 PM | Updated as of Dec 31 2019 09:01 AM

MAYNILA - Handa si Interior Secretary Eduardo Año na pansamantalang pangasiwaan ang Philippine National Police (PNP) hanggang sa makapili si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong hepe.

Kasunod ito ng pag-udyok ng pangulo na hawakan muna at ayusin ni Año ang pambansang pulisya.

“The President is still searching for a permanent Chief PNP and my job is to supervise the organization on his behalf as his alter ego, being the DILG Secretary and Chairman of NAPOLCOM,” ani Año.

“ I will do my job until the President chooses the next Chief PNP. I believe he has choices in his mind but he is closely watching the performance and conviction of these candidates particularly on the fight against illegal drugs and professionalizing the PNP ranks,” dagdag ni Año.

Nagbitiw nang maaga nitong taon si dating PNP chief Oscar Albayalde matapos madawit ang pangalan sa umano'y pag-recycle ng droga mula sa isang drug raid sa Pampanga noong 2013.

Sa kasalukuyan, si Police Lt. Gen. Archie Gamboa ang tumatayong officer-in-charge ng PNP.