ALAMIN: Mga isasarang kalsada sa Black Nazarene thanksgiving procession

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2019 03:43 PM | Updated as of Dec 29 2019 03:59 PM

MAYNILA -- Nag-abiso ang Manila Police District (MPD) na isasara sa trapiko ang ilang kalsada sa Maynila sa Lunes, Disyembre 30, para sa taunang Black Nazarene thanksgiving procession. 

Isasara sa trapiko ang mga sumusunod na kalsada: 

  • Quezon Boulevard mula A. Mendoza/Fugoso hanggang Plaza Minranda (southbound lane) 
  • P. Campa at Lerma sa España Boulevard
  • CM Recto, mula Rizal Ave. hanggang SH Loyola St. 

Dadaan ang prusisyon ng replica ng poon ng Itim na Nazareno mula Plaza Miranda, kakaliwa sa Quezon Blvd. Kakanan ito sa CM Recto Avenue, at sa Loyola Street, at kakaliwa sa Bilibid Viejo Street. 

Kakaliwa rin ito sa ZP de Guzman Street, at kakanan sa Hidalgo Street, kakaliwa sa Quezon Blvd. sa ilalim ng Quezon Bridge sa Palanca Street, kakanan sa Villalobos Street, pabalik ng Plaza Miranda. 

Kada taon, libo-libo ang dumadalo sa prusisyon na nagsisilbing opening salvo sa traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9.

Nakasalalay ang oras ng pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong kalsada sa dami ng taong dadagsa. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.