ALAMIN: Traffic rerouting scheme sa Maynila sa Rizal Day

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2019 04:13 PM

Ayon sa MPD, isasara ang north at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw street mula alas-6 ng umaga ng Lunes hanggang sa pagtatapos ng seremonya. File/Mark Demayo, ABS-CBN News


MAYNILA — Nag-abiso ang Manila Police District (MPD) ngayong Sabado na magsasagawa sila ng traffic rerouting scheme sa pagdaraos ng mga seremonya sa Rizal Day sa Lunes, Disyembre 30. 

Ayon sa MPD, isasara ang north at southbound lanes ng Roxas Boulevard mula Katigbak hanggang TM Kalaw street mula alas-6 ng umaga ng Lunes hanggang sa pagtatapos ng seremonya. 

Kaakibat nito, susundan ang road rerouting sa ilang lugar: 

  • Kung light vehicle na bibiyaheng pa-timog mula sa Delpan Bridge-Pier Zone: kumaliwa sa Burgos, at kumanan sa Maria Orosa patungo sa destinasyon 
  • Ang mga mabibigat na sasakyan gaya ng mga trak na manggagaling ng Delpan Bridge-Pier Zone ay maaaring kumaliwa sa P. Burgos patungong Finance Road - Ayala Boulevard, at saka kumanan sa San Marcelino patungo sa destinasyon 
  • Kung light vehicle na babiyahe northbound ng Roxas Boulevard: maaaring kumanan sa TM Kalaw, kumaliwa sa Maria Orosa patungo sa destinasyon
  • Kung light vehicle na babiyahe northbound ng Roxas Boulevard mula P. Ocampo: kumanan sa President Quirino Avenue patungo sa destinasyon
  • Ang lahat ng sasakyang manggagaling sa MacArthur/Jones/Quezon Bridge papuntang southbound lane ng Roxas Boulevard ay maaaring tumungo sa Maria Orosa, o gamitin ang Taft Avenue patungo sa destinasyon 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.