Presong nakatakas mula sa Antipolo City Jail, sumuko na

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2018 03:16 PM

ANTIPOLO CITY - Sumuko na sa mga awtoridad ang bilanggong nakatakas mula sa nasunog na Antipolo City Jail, sabi ng lokal na pamahalaan Biyernes, isang araw matapos ang insidente.

Kusang sumuko sa mga opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology ang 'di pinangalanang inmate, sabi ng mga awtoridad.

Base sa tala ng lokal na pamahalaan ng Antipolo City, naibalik na sa kani-kanilang mga selda ang 1,669 na inmates ng naturang kulungan na nasunog Huwebes ng gabi.

Pansamantalang inilipat sa ibang jail facilities ang ibang preso habang isinasaayos ang pasilidad.

Nanawagan pa ang lokal na pamahalaan ng Antipolo na iwasang magpakalat ng fake news sa social media na marami pang nakatakas na preso, upang maiwasan ang pagkabahala ng publiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.